Umatras na ang Chinese Taipei at Malaysia sa paglalaro sa third round ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar.

Ang isyu ng pangkalusugan bunsod ng COVID-19 pandemic ang pangunahing dahilan ng dalawang bansa kaya nagdesisyon ang mga ito umatras na.

Nasa Group B ang Chinese Taipei at Malaysia kasama nila sa grupo ang China at Japan.

Nakatakdang isagawa ang nasabing torneo sa darating na Pebrero 18 hanggang 23.

Magugunitang kinansela na rin ng FIBA ang mga laro sa Guam at Hong Kong na gaganapin sana sa Manama, Bahrain dahil sa bagong travel restrictions na ipinapatupad sa nasabing mga bansa.

-- Advertisement --