CAGAYAN DE ORO CITY-Inilagay na sa City Isolation Unit o CIU ang limang miyembro ng pamilya galing sa Dabatian, Brgy. Carmen nitong lungsod na nag-positibo sa COVID-19.

Sinabi ni City Epidemiologist Dr. Joselito Retuya na mahigpit ang kanilang monitoring sa kalagayan ng mga pasyente habang nagpapatuloy ang kanilang contract tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga ito.

Ayon kay Dr. Retuya, isinailalim na rin sa ‘home quarantine’ ang walong kamag-anak sa mga nag-positibo at nakatakdang isailalim sa RT–PCR test.