-- Advertisements --

Nagdulot ng malawakang ‘Blackout’ sa New Zealand ang pagdaan ng malakas na hangin.

Apektado ang mahigit 90,000 na kabahayan at maging 100 flights ay nakansela.

Ang hangin ay may lakas ng 155 kilometer per hour ay nakaapekto sa buong South Island at southern part ng North Island.

Itinaas din ang red wind warnings sa central regions kabilang ang Canerbury at Wellingtom at matapos ang ilang oras ay kanila na rin itong tinanggal.

Sa ibang lugar ay maraming mga kabahayan ang nailipad ang bubong at natumba rin ang maraming mga punong kahoy at poste ng kuryente.

Pinayuhanng mga otoridad ang mga residente na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.

Nagdeklara naman ng state of emergency ang Canterbury bilang support sa kanilang disaster response.

Ang nasabing malakas na hangin ay naranasan din sa ilang bahagi ng Australia.