Tinukoy ni Atty Lorna Kapunan ang dalawang alegasyon ang itinuturing niyang pinakamabigat sa posibleng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Una, ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa P6.77 bilyong kahina-hinalang bank transactions ng VP at ng kanyang asawa. Giit ni Kapunan, “arithmetic” o malinaw na bilang ang basehan nito kaya mahirap pabulaanan, lalo’t may malaking agwat sa SALN at galaw ng pera sa mga account.
Ikalawa, ang umano’y death threats ng Bise Presidente laban kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez. Aniya, mabigat ito dahil authenticated na ng NBI ang video at hindi ito edited o gawa-gawa.
Para kay Kapunan, parehong mahirap depensahan ang dalawang isyung ito, ang unexplained wealth dahil sa dokumentadong financial trail, at ang banta dahil sa malinaw at beripikadong ebidensya mula mismo sa video. (report by Bombo Jai)
















