-- Advertisements --

Naniniwala ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapakita ang malaking bilang ng botong nakuha ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 2025 midterm elections ng pagtutol ng publiko sa kaniyang ICC arrest.

Sa isang statement, sinabi ng high profile lawyer na si Nicholas Kaufman na ipinapakita nito ang malinaw na pagnanais na maibalik ang dating Pangulo sa Pilipinas at ang ganap na pagtutol sa aniya’y pagtatangka ng administrasyong Marcos na bahiran ang kaniyang legasiya.

Una rito, nitong hapon ng Martes, Mayo 13, pormal na iprinoklama si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City na nanalo sa pamamagitan ng landslide victory sa 2025 midterm elections noong Lunes.

Base sa official city canvass report, nakakuha si Duterte ng 662,630 votes na malaki ang kalamangan mula sa kaniyang katunggali na si Atty. Karlo Nograles na nakakuha ng 80,852 votes.