-- Advertisements --
Asahan ang malakihang bawas presyo ng mga produktong langis sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy (DOE)- Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na magkakaroon ng hanggang P2.00 sa kada litro ang ibabawas sa diesel at kerosene.
Hindi naman ito nagbigay ng katiyakan kung mayroong paggalaw ang presyo ng gasolina.
Sakaling magkaroon ng paggalaw sa presyo ng gasolina ay maaring ito ay mababa lamang.
Malalaman pa sa araw ng Lunes ang price adjustment ng mga langis na kadalasan ay ipinapatupad tuwing araw ng Martes.
Ito na rin ang pangalawang sunod na linggo na magkakaroon ng bawas presyo ng mga produktong langis.