Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay matinding naramdaman din ang malakas na lindol kaninang umaga na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao kasama na ang Davao City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Sen. Bong Go na tinawagan siya ni Pangulong Duterte pagkatapos ng lindol kung saan nabanggit na saktong bumangon para umihi siya kanina ng magkalindol.

Ayon umano kay Pangulong Duterte, wala namang dapat ipag-alala at okay silang lahat ng kanyang pamilya.

Pero nagkaroon din ng pagbitak sa pade ng bahay ni Pangulong Duterte gayundin sa kuwarto ni Sen. Go.

Duterte house1
Duterte House2

Inihayag din ni Sen. Go na wala pang pagbabago sa schedule ni Pangulong Duterte sa kabila ng malakas na lindol at tuloy ang kanyang biyahe bukas papuntang Bangkok, Thailand para dumalo sa 35th ASEAN Leaders’ Summit.

Ngayong araw din bibisita si Pangulong Duterte sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao Cemetery.

Kasabay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Go sa lahat ng nag-aalala at nagdasal para sa kaligtasan nila ni Pangulong Duterte.