Hindi sang-ayon ang Palasyo ng Malakanyang sa panawagang baguhin ang Saligang Batas na isinulong ni House Minority Leader at 4Ps Representative Marcelino Libanan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, mas mahalaga ngayon ang pagbabago sa pag-uugali at puso ng mga opisyal ng gobyerno kaysa sa pagbabago ng Konstitusyon.
Iginiit ni Castro na hindi pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagang Constitutional Change.
Aniya, hindi solusyon ang pagbabago ng Saligang Batas kundi ang maging maka-Pilipino at maka-bayan ang mga lider.
Ginawa ni Castro ang pahayag bilang tugon sa panawagan ni Rep. Libanan at kay Senator Alan Peter Cayetano na magsagawa ng snap election bilang paraan sa pagtugon sa mga isyu ng bansa.
Aniya pa, may iba pang mga batas na puwedeng gamitin para maresolba ang mga problema kung susundin lamang ito ng mga opisyal ng gobyerno.