-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Malakanyang na nadagdagan ng tatlong bagong destinasyon ang Pilipinas na pambato sa world travel awards.
Sa ngayon kasi umaabot na sa 10 ang bilang ng nominasyon para sa Pilipinas para sa world travel awards.

Ayon kay Palace Press Officer, USec. Claire Castro na kabilang dito ang Aurora Province na may malilinis na baybaying dagat sa asia regional nature destination, San Fernando,Pampanga bilang asias living cultural destination kung saan matatagpuan ang Christmas village, at ang Clark freeport zone, bilang asias leading meetings and conference destination.

Ayon kay Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, bahagi ito ng mas pinaigting na mga programang pang turismo ng bansa.

Inihayag ni Frasco, ang mga parangal na ito ay patunay ng lakas at lawak ng turismo mula sa kalikasan, kultura at world class events.

Sinabi pa ni Castro na ang mga programang ito ng DOT ay bahagi ng national development plan 2023-2028.

Hindi lamang aniya mga sikat na pasyalan, kundi mga bagong destinasyon at kabuuang ganda ng Pilipinas ang kinikilala sa buong mundo.