Nakatakdang magsagawa ng dayalogo ang grupong Manibela at Malacañang ngayong araw upang talakayin ang isyu ng jeepney phaseout at tigil-pasada na nakatakdang ilunsad sa Lunes, Oktubre 16.
Subalit wala pang pahayag ang Malacañang ukol sa nakatakdang dayalogo.
Una ng inihayag ni Manibela transport group Chairman Mar Valbuena na magsasagawa sila ng nationwide transport strike simula bukas.
Layon ng transport strike na himukin ang gobyerno na gumawa ng aksiyon hinggil sa umano’y korupsiyon sa LTFRB.
Inihayag naman ni Balbuena na kaya ng grupong Manibela paralisahin ang 80% ng transportasyon sa Metro manila sa gagawin nilang tigil-pasada.
Ayon kay Valbuena mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan.
Nagpahayag naman ng suporta ang grupong Piston sa ikakasang tigil-pasada ng grupong Manibela sa Lunes.
Ayon kay Mody Floranda, National President ng grupong Piston na hindi sila sasama sa transport strike.
Sa kabilang dako,ang Kagawaran ng Transportasyon hindi nangangambang magdudulot ng malaking pinsala ang tigil pasada.