-- Advertisements --

Binuweltahan ni House Majority Leader Sandro Marcos si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co matapos siyang akusahan ng umano’y P50 bilyong budget insertions sa pambansang budget.

Sa kanyang video message, sinabi ni Co na may mga proyektong hindi naisama sa 2025 budget na nagdulot umano ng galit ni Marcos.

Mariin namang itinanggi ni Marcos ang paratang at tinawag itong isang uri ng “destabilisasyon” laban sa pamahalaan.

Binigyang-diin pa niya na walang basehan ang mga akusasyon at iginiit na hindi dapat paniwalaan si Co.

Ayon kay Marcos, naapektuhan ang kredibilidad ng dating kongresista dahil sa mga kinakaharap nitong kaso.

Ang banggaan ng dalawa ay nag-ugat sa matagal nang isyu ng budget insertions sa Kongreso.

Sa kabila ng kontrobersiya, nanindigan si Marcos na walang katotohanan ang mga alegasyon at patuloy na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Majority Leader.