Aminado si Los Angeles Lakers head coach Frank Vogel na talagang mahirap depensahan ang kanilang korona ngayong bagong NBA season.

Ayon kay Vogel, liban sa maraming teams ang nagpalakas sa katatapos lamang na off season, ang Lakers naman ang may pinakamahabang inilaro dahil umabot pa sila sa Finals.

Maging si Lakers general manager Rob Pelinka ay nagsabi na sa larangan ng sports, pinakamahirap ang magiging kampanya ng isang defending champion.

anthony davis lebron james Lakers
Lakers power duo LeBron and AD (photo @Lakers)

“The first thing you have to understand about going into a repeat situation is it’s going to be harder than the year before,” ani coach Vogel. “We played longer than everybody else and had a shorter offseason than anybody else so the odds are stacked against us from that standpoint. The identity of what and who we were last year has got to be repeated.”

Sa kabila nito, ipinagmalaki pa rin ng coach na hawak pa rin nila ang core members ng team na kinabibilangan nina NBA superstars LeBron James at Anthony Davis.

Bagamat marami aniya ang nawala, nakuha naman nila ang mga tigasin at veteran plavers na sila Dennis Schröder, Montrezl Harrell, Marc Gasol at Wesley Matthews.

Ang mga ito raw ay kayang makipagbanggaan.

Tiyak din daw na titibay pa ang pagiging kilala nila sa liga pagdating sa pagiging isang defensive team.