-- Advertisements --
Arestado ang apat na pasahero eroplanong na galing Bangkok, Thailand matapos na makuhanan ng iligal na droga.
Ayon sa Bureau of Customs nakuhanan ang mga ito ng 41,551 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P62.326 milyon pagdating ng mga suspek sa NAIA Terminal 3 ngayong Hulyo 30,2026.
Nakalagay ang mga iligal na droga sa walong bagahe kung saan nabuking ang mga ito ng dumaan sa X-ray screening at inspeksyon ng K9 na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nasa kustodiya ng mga otoridad ang mga naarestong pasahero habang patuloy na sinusuri ang mga nakumpiskang iligal na droga.
Patuloy din ang pangangalap ng mga otoridad ng impormasyon ukol sa nasabing pagkakaaresto ng mga iligal na droga.
















