TUGUEGARAO CITY- Binunot at sinira ang mahigit P9m na halaga ng fully grown at dried marijuana leaves sa Tinglayan, Kalinga.

Sinabi ni PSMSgt. Alex Tambalong, isinagawa ang operasyon ng PNP at PDEA Kalinga, Apayao, Benguet, Region 1 at 2 nitong September 26 at 27 sa mga barangay ng Tulgao West at Bugnay.

Ayon kay Tambalong, 77,000 na fully grown marijuana ang binunot sa mahigit 5,000 sq na lupain sa dalawang barangay.

Bukod dito, may nadatnan din ang mga operatiba na nakabilad na 30 kilos ng dried marijuana leaves.

Kaugnay nito, sinabi ni Tambalong, na may magpapatubo ng mga nasabing marijuana at hindi ito kusang tumutubo dahil sa may nagmimintini sa mga ito.

Gayonman, sinabi niya na wala silang nahuli na cultivator dahil bago pa man makarating ang mga otoridad ay umaalis na ang mga nagbabantay sa mga taniman ng marijuana.