-- Advertisements --
Nasamsam ng mga otoridad ang 72 kilos ng marijuana sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – National Capital Region Director Emerson Rosales, ang mga nasabat na marijuana ay natukoy na nagmula sa bansang Thailand.
Itinago aniya ang mga ito sa limang balikbayan boxes.
Natukoy na rin ng PDEA ang pagkakakilanlan ng mga shipper at ang dapat na tatanggap sana sa mga balikbayan box kung saan itinago ang mga kontrabando.
Gayunpaman, hindi na inilabas ng PDEA ang pangalan ng mga ito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon, habang inihahanda na rin ang kasong kahaharapin ng mga ito.
Ang mga nasamsam na kontrabando ay may estimated street value na P101.4 million.