-- Advertisements --

May kabuuang 710 persons deprived of liberty (PDLs) sa minimum-security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang sumailalim sa screening at evaluation para sa kanilang maagang paglaya.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor), na ang screening at evaluation ay ginawa ng Management Screening and Evaluation Committee (MSEC) ng nasabing kawanihan.

Ang mga kwalipikado ay maaaring palayain sa pamamagitan ng pardon, parole, probation at iba pang uri ng executive clemency.

Ang serye ng screening at deliberasyon ay ginawa ni Camp Commander, C/SInsp. Eusebio B. Del Rosario Jr., at Deputy Camp Commander for Security and Operations, C/Insp. Antonio P. Montanez bilang chairperson at vice chairperson ng Management Screening and Evaluation Committee.

Dagdag dito, tiniyak ni Del Rosario na isa sa kanyang prayoridad ay pabilisin ang deliberasyon ng mga PDL na nakakulong sa minimum-security compound ng NBP lalo na ang mga matatanda, may sakit, at Persons with Disability (PWD).”