-- Advertisements --

Umabot na sa halos walong milyong katao ang pumirma sa ‘Impeach Sara Duterte!’ campaign.

Inilunsad ang public signature campaign upang makalikom ng suporta para paharapin si VP Sara sa impeachment proceedings.

Sa loob lamang ng 24 oras mula nang ito ay ilunsad, umabot sa mahigit 1 million katao ang agad na pumirma.

Bago ang naging botohan noong Mayo-11 sa plenaryo ng Kamara, nakalikom na ito ng mahigit dalawang milyong pirma.

Mula Mayo-11 hanggang ngayong araw, May 14, nadagdagan pa ng halos anim na milyong pirma at patuloy pa itong dumarami kada minuto.

Sa ilalim ng sistemang ginagamit sa naturang signature campaign, kinukuha ang IP Address at digital fingerprint ng mga pumipirma bilang bahagi ng signature validation process.

Lahat ng mga nalilikom na pirma ay sinusuri.

Samantala, pinakamarami sa mga pumirma ay mula sa Metro Manila na umabot na sa 1.4 million. Sinundan ito ng Cavite na mayroong mahigit 755,000.

Mataas din ang bilang ng mga pumirma mula sa Cebu, Negros Occidental, Bulacan, Rizal, Laguna, Iloilo, Pangasinan, Leyte, Batangas, at iba pa.