Apektado ang biyahe sa dagat ng kabuuang 5,845 pasahero at drivers sa mga pantalan sa bansa sa gitna ng patuloy na hagupit ng bagyong Opong ngayong Biyernes, Setyembre 26,
Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali, iniulat ng ahensiya na stranded din ang nasa 2,840 rolling cargoes, 110 barko at 53 motorbancas.
Habang naantala din ang biyahe at pansamantalang nakikisilong ang nasa 410 barko at 116 motorbancas hanggang sa bumuti na ang kondisyon sa dagat.
Naitala ang mga stranded na pasahero, cargoes at barko sa may National Capital Region – Central Luzon, Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Eastern Visayas, Bicol, Northeastern Mindanao, Central Visayas at sa Southern Visayas.
Samantala, nakaalerto naman ang deployable response groups ng PCG sa iba’t ibang probinsiya sa Luzon para sa agarang pagresponde at makatulong sa mga apektadong residente.