CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda na ang lungsod ng Cagayan de Oro para sa ilulunsad na expanded vaccination sa mga batang nasa 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ay matapos na nasimulan na ng Cagayan de Oro City Health Office ang on-line registration base sa report ng CHO-Data Management Team.
Sinabi ni Dr. Ted Yu, medical officer ng ahensya na mabilis lumobo ang bilang ng mga registrants at, kahapon, ito’y umabot na sa mahigit 5000.
Dahil dito, ikinatuwa ng CHO ang positibong feedback ng mga kabataan sa nagpapatuloy na vaccination rollout ng lokal na pamahalaan.
Una nang sinabi ni Estella Ferrarez, isang private health care worker at pyschometrician, na isang “milestone” ang mabilis na pagresponde ng mga kabataan sa pagpaparehistro sa expanded vaccination ng LGU-CdeO.
Ito ay dahil kahit sa bata pa sila, naiintindihan nila ang malaking pangangailangan ng pagbabakuna upang proteksyonan ang kanilang sarili at maging ang kanilang pamilya.