-- Advertisements --

Aabot sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi.

Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nasabing misa kasama ang ilang pari ng Quiapo Church.

Sa kaniyang homily sinabi ni Advincula na dapat ipagpatuloy ang buhay na ang nasa puso ay si Kristo.

Mahalaga ang pagkakaisa para mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.