-- Advertisements --

Pinayagan ng International Criminal Court ang pag-withdraw ni French lawyer Dov Jacobs bilang associate counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinahaharap nitong crimes against humanity case.

Kasabay nito, naghain na rin ng kahilingan si lead defense counsel Nicholas Kaufman upang umatras sa kaso matapos umanong ipabatid ni Duterte na nais nitong magbuo ng bagong defense team bago magsimula ang trial proper sa ICC.

Ayon sa korte sa the Hague, walang magiging aberya sa depensa ni Duterte dahil mayroon pa rin itong legal team at nakahandang pumalit na bagong abogado na may karanasan din sa ICC.

Nahaharap si duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng mga umano’y pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra droga noong siya ay alkalde ng davao city at kalaunan bilang pangulo ng bansa.

Nakatakdang idaos sa mayo 27 ang status conference na magsisilbing pormal na pagsisimula ng trial-stage proceedings ng kaso. (report by Bombo Jai)