-- Advertisements --

Hinimok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga tagasuporta na ipagdasal ang Pilipinas at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang ipinaabot ni Vice President Sara Duterte sa isang panayam sa kaniya ng mga supporter kasunod ng kaniyang pagbisita sa kaniyang ama sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) nitong Mayo 7.

Ipinaabot din ni VP Sara sa kanilang supporters ang sinabi ni FPRRD na ang kaniyang pagkakakulong ay sakripisyo na, kayat hindi na raw nila kailangan pang magsakripisyo sa labas ng Duterte Street.

Sa halip, hinikayat aniya ng dating Pangulo ang mga ito na magdasal para sa bayan at para sa Pangulo.