Tinangka umanong pasukin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki kagabi ang ikalawang palapag ng Senado ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Dahilan upang magpaputok ng warning shot ang mga tauhan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) upang hindi makapasok ang mga ito.
Ayon sa opisyal bandang alas-7:46 ng gabi nang magtangkang pumasok ang mga armadong lalaki sa gusali ng Senado. Matapos mapigilan, umatras umano ang mga ito sa likurang bahagi ng gusali at nagpaputok ng baril sa ere.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ilan ang sangkot sa insidente sa pamamagitan ng pagsusuri sa CCTV footage.
Nangyari ang insidente habang naka-lockdown ang Senado kung saan nasa protective custody si Senador Ronald ”Bato” dela Rosa.
Lumala umano ang tensyon matapos hindi pagbigyan ng Supreme Court ang hinihinging temporary restraining order ni Dela Rosa kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court laban sa kanya.
















