-- Advertisements --

Mayroong 430 opisyal ng barangay ang binabantayan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr, na ito ang impormasyon na ipinarating sa kanila ng kanilang intelligence department.

May mga iba’t-ibang partisipasyon ang nasabing mga Barangay opisyal sa kalakaran ng iligal na droga.

Karamihan sa mga dito ay mula sa Region 6 at mayroon din sa National Capital Region (NCR).

Pagtitiyak nito na babantayan ng kanilang kapulisan ang galaw ng mga barangay opisyal lalo na at nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan election.