-- Advertisements --
Patay ang mahigit 40 katao matapos ang pagkasira ng dam sa Kenya.
Nagsimula ang pagkasira dahil sa ilang araw na walang humpay na pag-ulan.
Labis na nadamay ang bayan ng Mai Mahui na may layong 60 kms. sa capital na Nairobi.
Ayon kay Nakuru county governor Susan Kihika na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa may ilang naitalang natabunan.
Patuloy ang ginagawang paghuhukay ng mga otoridad sa natabunan ng putik para mahanap ang mga survivors sa ilang bahagi ng Kenya kabilang ang Kamuchiri at Kianugu sa Nakuru county.
Noong nakaraang linggo ay nasa 100 mga katao na ang nasawi ng manalasa ang malawakang pagbaha sa Kenya.