Muling umigting ang mga espekulasyon tungkol sa namumuong relasyon sa pagitan ng aktres at aktor na sina Barbie Forteza at Jameson Blake tungkol sa namumuong relasyon sa pagitan nila matapos silang mamataang magkahawak-kamay sa isang Gala event nitong Sabado, Agosto 2.
Bagama’t una nang nilinaw ng dalawa na sila ay magkaibigan lamang pero sa lumabas na video na ibinahagi sa publiko, makikitang magkahawak-kamay ang dalawa habang umaalis sa venue.
May iba pang video sa social media ang kumalat na nagpapakitang magkasama rin silang nag-order sa isang fast-food restaurant malapit sa lugar ng event.
Simula pa noong Mayo, ilang ulit nang namataan ang dalawa sa mga fun run events na magkasama at minsan ay magkahawak rin ng kamay.
Gayunpaman, itinanggi ni Jameson noong Hulyo na may espesyal na namamagitan sa kanila, at iginiit na tinulungan lamang niya si Forteza sa pag-navigate ng masikip na crowd.
Sinabi rin ni Barbie na sa parehong buwan na hindi sila magkasintahan ng aktor.
Samantala kasalukuyang naghahanda sina Barbie Forteza at Jameson Blake para sa kanilang pelikula na “Kontrabida Academy,” kasama si Eugene Domingo.
Wala pang opisyal na detalye ang inilalabas hinggil sa kuwento at petsa ng pagpapalabas nito.