Masayang ibinahagi ni Barbie Forteza sa kanyang social media ang kanyang karanasan sa pagsali sa “Lights, Camera, Run!” fun run na pinangunahan ni Alden Richards, kung saan nakilahok siya sa 16K run.
Ang naturang charity fun run ay naglalayon na magbigay-suporta sa mga marginalized na manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.
Ayon sa aktres, ito ang kanyang unang 16K na marathon, at ipinahayag niya ang kanyang kasiyahan sa pagtulong upang mapabuti ang lokal na industriya ng pelikula sa bansa at hikayatin ang mga tao na suportahan ang mga lokal na pelikula.
‘I’m so happy I got to run for the improvement of my beloved industry and help encourage people to support local films,’ ani Barbie
Dahil sa kagalakan ng makasama ang iba pang mga artista tulad ni Alden Richards at Kristoffer Martin, binanggit ni Barbie na naging bahagi siya ng isang magandang layunin.