Viran ngayon ang ibinahaging post ni Alden Richards sa Instagram Story kung saan ipinaliwanag ang kahulugan ng salitang “kuracaught” bilang pagtukoy sa mga corrupt na opisyal na nahuling nangurakot.
Bagamat hindi niya binanggit ang pangalan ng sinuman, hinala ng mga netizens na tumutukoy ito kay Arjo Atayde, asawa ni Maine Mendoza, na inakusahan sa mga maanumalyang flood control projects.
Matatandaang naging loveteam sina Alden at Maine bilang “AlDub” sa isang noontime show. Sa kabila ng mga paratang kay Atayde, mariing ipinagtanggol ni Mendoza ang kanyang asawa, at sinabing ang kanilang yaman ay mula sa sariling pagsisikap at hindi mula sa pera ng bayan.
Kasabay nito, nagbahagi rin si Alden ng mga larawan tungkol sa isyu ng korapsyon, kabilang na ang viral na larawan ng mga patong-patong na mga pera na nakuha sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways na iniimbestigahan ngayon ng Kongreso.