-- Advertisements --

Nilinaw ni Maine Mendoza na matagal na siyang naka-move on mula sa kanyang naramdamang pag-ibig kay Alden Richards noong kasagsagan ng kanilang tambalang “AlDub.”

Ayon kay Maine, ang kanyang pahayag sa “Tamang Panahon” podcast noong Agosto 17 ay bahagi lamang ng pagbabalik-tanaw sa Kalyeserye at sa kasaysayan ng kanilang tambalan.

Sa naturang podcast, inamin ni Maine na na-inlove siya kay Alden noon, ngunit hindi siya niligawan ng aktor kahit alam nito ang kanyang nararamdaman.

Sinabi raw ni Alden sa kanya na hindi niya maipahayag ang tunay niyang damdamin dahil “mawawala ang magic.”

Matapos ang kontrobersyal na pahayag, agad itong nilinaw ni Maine dalawang araw matapos ang episode. Ayon sa aktres-host, hindi niya layunin na muling pasikatin ang isyu o ang tensyon sa pagitan ng mga tagahanga.

“Una sa lahat, I didn’t think the part about my story with Alden would spark controversy,” ani Mendoza. “I believe it’s acceptable to reflect and openly discuss them for this podcast, especially now that it’s been a decade and all is well between the individuals involved, particularly me and Alden.”

Matatandaang naging bahagi ng kasaysayan ng Philippine entertainment ang tambalang “AlDub,” na sumikat sa isang noontime show na halos isang dekada na ang nakalilipas.

Sa kasikatan nila, napuno nila ang pinakamalaking arena sa bansa para sa isang concert, at hanggang ngayon ay may ilan pa ring naniniwalang nagkatuluyan sila sa totoong buhay.

Sa kabila ng hindi nauwi sa totoong relasyon ang kanilang tambalan, nanatiling magkaibigan sina Mendoza at Richards. Kung saan dumalo pa si Alden sa ika-30 kaarawan ni Maine noong Marso.

Si Maine Mendoza ay kasal na ngayon sa aktor at Congressmen na si Arjo Atayde.