Ibinahagi ng aktor na si Alden Richards ang pinagdaanang laban noong 2024, na tinawag niyang ”pinakamababang yugto” ng kanyang buhay matapos makaranas ng matinding depresyon.
‘If there is something deeper than rock bottom, I was there. I think last year was my lowest year,’ ani Alden sa isang interbyu.
Ayon pa sa aktor tumagal ng anim na buwan bago niya muling nabuo ang kanyang sarili mula sa pinagdaanang krisis. “It was not clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression,” dagdag pa ni Alden.
Ikinuwento rin ng aktor na kinimkim niya ang kanyang pinagdadaanan at hindi ito ipinaalam kahit sa malalapit sa kanya. “I put the welfare of others over mine. But last year, I think that was my breaking point.”
Aniya, naging labis ang kanyang pagbibigay at pag-aalaga sa kapakanan ng ibang tao, hanggang sa siya mismo ay naubos—isang bagay na tinawag niyang “that broke me to a million pieces.”
Ngayon, mas pinapahalagahan na raw niya ang sarili, at ibinabalik ang kanyang lakas at sigla sa pamamagitan ng physical activities gaya ng pagtakbo at pagbibisikleta.
Nilinaw din ni Alden Richards na hindi niya nais na sa kanyang buhay pag-ibig i-baling ang kanyang kasiyahan.
‘I don’t want my happiness to be defined by my love life,’ wika niya.