Pinangaralan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang Box Office Queen at King ng 2024 ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) anim na buwan matapos ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ”Hello, Love, Again.”
Ibinahagi ng kanilang mga agency ang balita sa isang Instagram post noong Mayo 6, kung saan makikitang tinanggap ni Alden ang tropeo habang hindi naman nakadalo si Kathryn sa naturang event.
Bukod sa pagkilala sa mga bida, pinuri rin ng CEAP ang pelikula sa pambihirang kita nito sa takilya na may kitang P1.6 billion na kinilala din bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan sa bansa.
Ang naturang pelikula ay sequel ng Hello, Love, Goodbye noong 2019, na muling sumusubaybay sa kwento ng pag-ibig nina Joy at Ethan.