-- Advertisements --

Dumepensa ang aktres na si Maine Mendoza sa kanyang asawang si Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde, matapos matapos siyang madawit sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa isang post sa X (dating twitter), tinawag ni Maine ang mga paratang bilang “walang basehan” at hinimok ang publiko na hintayin muna ang katotohanan bago manghusga.

Ayon pa kay Maine, wala umanong ginagawang masama si Atayde at buong puso nitong pinaglilingkuran ang kanyang distrito. Dagdag pa niya, sana ay mapanagot ang tunay na responsable at hindi madamay ang mga inosente.

Samantala, mariing itinanggi ni Atayde ang akusasyon at sinabing hindi siya kailanman nakipag-ugnayan sa mga contractor o tumanggap ng anumang benepisyo mula sa mga proyekto.

Nangako rin siyang gagamit ng legal na hakbang upang linisin ang kanyang pangalan.

Screengrab from @arjoatayde