-- Advertisements --

Winakasan na ni Maine Mendoza ang usapin na hiwalay na sila ng asawang si Arjo Atayde.

Ito ay matapos na kasama siya sa family picture sa wedding anibersaryo ng magulang ni Arjo na sina Silvia Sanchez at Art Atayde.

Makikita sa social media account ng beteranang aktres na si Silvia ang mga larawan kung saan kasama si Maine.

Kasama rin ang kapatid ni Arjo na si Ria at asawang si Zanjoe Marudo at ilang mga kapatid nito na sina Gela Atqyde ganun ang rumored boyfriend nito na si Zaijian Jaranilla at si Xavi Atayde.

Magugunitang kumalat ang balita na hiwalay na sina Maine at Arjo matapos ang pagkalat ng video sa kaarawan ng ama ni Arjo ganun ang aktres na si Ria noong Marso kung saan hindi kasama si Maine.