-- Advertisements --
Naging emosyonal ang actor at ngayon ay Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde matapos na isinasangkot siya sa anomalya sa flood control.
Kasama niyang humarap sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Caloocan 3rd District Representative Dean Asistio.
Ang dalawang opisyal ay idinawit ng mag-asawang contractor na sina Sara at Pacifico Discaya kung saan maging ang ama ng actor na dating mambabatas ay tumanggap din umano ng kickback mula sa proyekto.
Giit ng aktor na handang humarap din ang ama niya at natitiyak niyang wala silang itinatagong anumang anomalya.
Hindi rin ito iiwas at tatakas sa ibang bansa at haharapin ang imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.
















