-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang imbitasyon ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa mamamayan na lumahok sa “Takbo Para sa WPS 2025”.
Gaganapin ang fun run sa Bridgetowne Central Park, Pasig City ngayong Sabado, Oktubre 11.
Sinabi ni Tarriela na hindi lamang ito pagtakbo at sa halip ay pagpapakita ng pagkakaisa para maprotektahan ang West Philippine Sea.
Maryoong 3 kilometers, 5-km at 10-Km. kung saan ang kita dito ay mapupunta sa pag-imprinta ng mga comic books na “Ang mga Kuwento ni Teacher Jun” na tumatalakay sa kuwento ng WPS.