-- Advertisements --

Makalipas ang halos anim na buwan mula nang pumanaw ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa influenza-related pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan, patuloy pa rin ang matinding pagluluksa ng kanyang asawang si DJ Koo (Koo Jun-yup).

Ayon sa mga ulat, regular na dinadalaw ni DJ Koo ang puntod ni Barbie sa Chin Pao San Cemetery sa New Taipei, Taiwan — kahit pa umuulan o tirik ang araw.

Isang netizen ang nagkumpirma ng ulat noong Hulyo 27, matapos ihatid ang isang tagahanga ni Hsu na nais mag-alay ng bulaklak.

Sa kanilang pagdating, nakita nilang si DJ Koo ay nakaupo nang tahimik sa isang foldable chair, naka-itim na tank top at cap, at tinitiis ang init ng araw habang nagbabantay sa puntod ng kanyang yumaong asawa.

Ayon pa sa ulat ng ETtoday, nakita rin si DJ Koo na tinitingnan ang mga ari-ariang tirahan malapit sa sementeryo dalawang buwan na ang nakararaan, partikular sa bagong tayong Four Seasons Garden.

Tumangging magbigay ng komento ang developer, habang sinabi ng ina ni Hsu na hindi niya alam ang planong ito.

Matatandaang unang nagkakilala sina Barbie at DJ Koo noong 1998 at sandaling naging magkasintahan.

Muling nagtagpo ang kanilang landas at nagpakasal noong 2022 matapos ang 23 taon.