Nakapagtala ang Bulusan Volcano Network (BVN) ng 309 na lindol sa Bulusan Volcano sa loob ng ilang araw lamang.
Ang 287 dito ay dulot ng paggalaw ng mga bato at 22 ay may kaugnayan sa pagdaloy ng volcanic materials sa ilalim ng lupa.
May mahina hanggang katamtamang degassing activity mula sa aktibong vent ng bulkan, na maaaring indikasyon ng mababaw na hydrothermal activity.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulusan Volcano, kaya’t tumataas ang posibilidad ng biglaang phreatic eruptions.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at hinihikayat ang pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa timog-silangang bahagi dahil sa panganib ng pyroclastic density currents, rockfall, ashfall, at iba pang pagyanig.
Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng proteksiyon tulad ng mask upang maiwasan ang paglanghap ng abo, iwasan ang lugar malapit sa summit ng bulkan, at maging mapagmatyag sa posibleng pagbaha ng sediment-laden stream flows at lahar sa panahon ng matinding pag-ulan.