-- Advertisements --

Mas paiigtingin pa ngayon ng Land Transportation Office ang pagpapatupad ng mas mahigpit na “no registration, no travel” policy sa buong Pilipinas.

Ito ay matapos na makapagtala ang ahensya ng mahigit 24-million na mga hindi rehistradong sasakyan sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ng LTO, sa ngayon ay pumalo na sa 24.7-million na mga sasakyan ang kanilang naitatalang mga kolorum o hindi rehistrado sa kanilang tanggapan.

Pag-amin ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, na sa ngayon ay mayroong kaunting problemang kinakaharap ang kanilang kagawaran pagdating sa pagka-catch up ng mga plakang hindi nakarehistro ng tama.

Isa rin kasi aniya sa mga suliraning kinakaharap ngayon ng LTO ay ang malaking bilang ng mga backlogs na hinahabol nito para sa pag i-isyu ng plate number ng mga motorsiklo.

Dahil dito ay magdadagdag sila ngayon ng mas maraming checkpoint na sisita sa mga mahuhuling nagmamaneho ng mga unregistered vehicles.

Samantala, kaugnay nito ay nagbabala naman ang opisyal hinggil sa mga parusang maaaring kaharapin ng mga pasaway na motorista na nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan:

Ang first offense ay magsisilbing warning; habang ang second offense naman ay maaari nang ma-impound ang sasakyan na may multang P10,000.// amrs