-- Advertisements --
Pasok na quarterfinals ng WTA 125 Suzhou sa China si Pinay tennis player Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Greet Minnen ng Belgium sa score na 7-6(5), 6(3)-7, 7-5 nitong gabi ng Oktubre 1.
Naging malaking hamon para sa world number 58 na si Eala kung saan umabot pa tatlong oras at 18 minuto ang laro.
Sa last set ay tila kontrolado na ni Eala ang laro kung saan nakalamang na ito 3-0 hanggang makahabol si Minnen.
Susunod na makakaharap ni Eala si World nubmer 70 na si Viktorija Golubic ng Switzerland.