-- Advertisements --

CEBU – Nironda ng Police Regional Office (PRO-7) ang nagsilbing tahanan ng mga Lumad Minority sa ginawang rescue operations sa loob ng University of San Carlos Retreat House sa Brgy. Talamban, lungsod ng Cebu.

Naaresto ang nasa pito na indibidwal samantalang na-rescue ang 21 na mga menor de edad kung saan ilan sa mga ito ang ayaw sumama sa otoridad.

Itinanggi rin ng lider ng grupo na si Datu Benito Bay-ao ang akusasyon kaugnay sa ginagamit lang umano ng New People’s Army (NPA) ang grupo upang makakasama sa militanteng grupo.

Sa paglalahad pa ni Bay-ao, dumating sila sa Cebu noong taong 2019 matapos sinira umano ng militar ang mga Lumad Schools sa Talaingod, Davao del Norte. Ayon pa nito na hiniling nila sa mga namumuno ng paaralan na makitira muna sa retreat house dahil naabutan na sila ng coronavirus lockdown dahil hindi pa sila nakabalik sa Mindano dahil sa mahigpit umanong mga requirements kabilang na ang mahal na bayad ng swab test.

Gayunpaman sumama kalaunan sa otoridad ang gupo kung saan nasa kustudiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 21 minors samantalang nasa police custody ang pitong indibidwal.

Nanawagan naman sa kasalukuyang administrasyon si Bay-ao kaugnay sa pagpapahinto ng sinasabing pang-aatake sa mga Lumad Schools at igalang umano ang ilan na nasa minority.

Samantalang, naglabas ng kanilang statement ang SVD Philippines Southern Province at University of San Carlos upang linawin ang katotohanan ng naturang sitwasyon.

Ayon sa pahayag, una nang suportado ng Societas Verbi Divini (SVD) Philippines Southern Province ang proyekto ng Archdiocese of Cebu-Commission on Social Advocacies (COSA) na Bakwit School Program with Save Our Schools (SOS) Network.

Nilagay umano sa retreat house na pagmamay-ari ng SVD na accessible sa pamamagitan nga USC-Talamban Campus ang delgasyon ng nasa 42 students kasama ang limang teachers at talong community elders o Datu noong Marso 11 ng nakaraang taon.

Nakatakdang sana umanong makumpleto ng delegasyon ang kanilang modular schooling noong Abril 3, 2020 at makakabalik na sila sa kanilang pinanggalingan ngunit naabutan umano nga lockdown noong Marso 13 ng nakaraang taon.

Binigyang diin ng SVD Philippines at ng USC na hindi na kailangan umano ng rescue operation dahil nasa maayos na kalagayan ang mga lumads at mayroon ng nakalatag na mga plano para sa pagpapabalik ng mga ito sa kanilang komunidad.