-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit 1000 ang naitalang aftershokck matapos ang magnitude 7 na pagyanig sa Abra.

Sa latest update mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa kabuuang 1,055 earthquakes ang naitala kung saan 260 dito ay plotted o naitala ng isang pagkakataon at 26 ang naramdaman.

Ayon sa Phivolcs ang magnitude ng aftershocks ay nasa 1.5 hanggang 5.0.

Paliwanag ng phivolcs na sa loob ng ilang araw hanggang linggo, ang mga minor hanggang katamtamang aftershocks ay inaasahang magaganap sa epicentral area ng lindol ngunit ang mga paglitaw ng malalakas na aftershocks ay hindi maiiwasan.