SEOUL, South Korea – Naghain ng criminal charges ang pamilya ng mga biktima ng plane crash sa South Korea laban sa chief executive officer ng Jeju Air, transport minister at mahigit 10 iba pa.
Giit nila may malaking kapabayaan kaya nangyari ang trahedya.
Nasa 72 kaanak ng mga biktima ang nananawagan ng mas malalimang imbestigasyon sa nangyari sa eroplano na ikinasawi ng 179 na nakasakay sa bumagsak na eroplano.
Giit nila, hindi isang aksidente lamang ang trahedya kundi isang major disaster na dulot ng kapalpakan ng management.
Nabatid na halos limang buwan na ngunit patuloy pa rin sa pag-imbestiga ng mga otoridad sa sanhi ng plane crash sa Muan International Airport.
Dati nang nagsagawa ang pulisya ng criminal investigation bago pa man ang pinakahuling reklamo ng mga kaanak ng mga biktima.
Sa ngayon, pinagbawalang makaalis ng bansa si Jeju Air CEO Kim E-bae, kahit wala pang hatol sa kaniyang kaso.