Mahigit isang daang Chinese maritime militia vessels ang nagtagal sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea sa loob ng isang linggo matapos silang unang mamataan sa lugar, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG, namataan din ng mga awtoridad ang 2 Chinese Coast Guard vessel sa Ayungin Shoal sa pinakahuling monitoring nito.
Dagdag dito, naka-istasyon ang Philippine Marines sa isang run-down na navy ship na naka-ground sa Ayungin Shoal para igiit ang territorial claim ng Maynila sa karagatan.
Kung matatandaan, noong huling bahagi ng Abril, isang barko ng China ang muntik nang bumangga sa isang patrol vessel ng PCG na lulan ng mga mamamahayag malapit sa Ayungin Shoal.
Sa pagpapatrolya, sinabi ng PCG na 2 sa mga bangka nito ay sinusundan rin ng mga barko ng Chinese navy at coast guard, at inutusang umalis sa karagatan ng maraming beses.
Ayon sa opisyal, ang Pilipinas ay tinatawag umano nilang intruders ng karagatang inaangkin nila na West Ph Sea.