Ipinaalala ng Department of Transportation – Maritime Sector ang karapatan ng mga biyahero sa karagatan, kasabay ng pagsisimula ng pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa nalalapit na Undas.
Kabilang dito ang karapatan ng mga biyahero kapag kanselado, naantala ang biyahe, o hindi nakumpleto ang paglalayag.
Tinukoy ng DOTr ang nilalaman ng MARINA Circular 2018-07 na nagsasaad sa karapatan ng mga pasahero tulad ng karapatang ma-impormahan ukol sa dahilan ng pagkaantala o pagka-kansela ng kanilang biyahe.
Karapatan din ng mga pasahero na humingi ng refund o magpa-validate muli ng ticket nang walang dagdag na binabayaran.
Sa oras na hindi natapos ang biyahe, may karapatan ang mga pasahero na madala sa kanilang destinasyon gamit ang ibang mga barko o katulad na uri ng transportasyon.
May karapatan din ang mga pasahero sa libreng pagkain, komunikasyon, at tirahan habang naghihintay ng rescheduled trip pero kung hindi posible ang libreng accommodation, maaari silang mabigyan ng katumbas na kompensasyon batay sa presyo ng matitirhan.
Umapela rin ang DOTr sa mga mananakay na ireport maging aktibo sa pagreport sa mga passenger vessel na hindi sumusunod at rumerespeto sa kanilang karapatan.
















