-- Advertisements --

Sinimulan na ng Maharashtra, India ang mahigpit na restriction dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magpapatupad ng curfew sa nasabing estado at isasailalim din ito sa full lockdowns pagdating sa weekends.

Nitong nakaraang araw lamang ay nagtala sila ng 93,249 ang India kung saan mahigit sa kalahati ng nasabing bilang ay mula sa Maharashtra.

Ito na rin aniya ang pinakamalaking bilang na naitala mula pa noong kalagitnaan ng Setyembre.

Pinaiimbestiga na ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang lugar sa mga eksperto kung bakit naging ganun na lamang ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

-- Advertisement --