CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang magsasaka pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dido Manuel Ali, 58, may asawa at residente ng Purok 1-A, Barangay Dungoan, M’lang, North Cotabato.

Ayon kay Lt. Col. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistola habang nagpapahinga lamang sa isang kubo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala si Ali sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at on the spot na binawian ng buhay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito ang mga nagrespondeng mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

-- Advertisement --

Anggulong rido o awayan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na kabilang sa dahilan sa pagpaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.