CAUAYAN CITY- Patuloy na inaalam ng Cauayan City Police Station ang pagkakakilanlan ng pinaghihinalaan na sumaksak at nakapatay sa isang magsasaka sa San Fermin, Cauayan City.

Ang namatay ay si Jerry Siobal Jr. apatnapong tatong gulang, balo, magsasaka at residente ng barangay Rogus.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na nakipag inuman ang biktima kasama ng ng pinaghihinalaan.

Habang nag-iinuman ay bigla nalang umanong sinaksak ng pinaghihinalaan sa kanyang tagiliran partikular sa kanyang kilikili at tiyan si Siobal Jr.

Dinala pa siya sa pribadong pagamutan ng Rescue 922 subalit namatay rin habang nasa ospital.

Agad namang tumakas ang pinaghihinalaan matapos ang pangyayari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here