BUTUAN CITY – Kinondena sa Agusan del Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Col. Ramir Perlito P. Perlas, Provincial Director, ang ginawang pagpatay ng New People’s Army o NPA sa inosenting sibilyan pasado alas 12:00 ng tanghali sa kahapon sa Sitio Malinhawod, San Antonio , RTR, Agusan del Norte.

Pinaniniwalaang ang Guirella front 21C ng NPA sa pangunguna ni AKA Warren ang bumaril sa biktima na si Jerald Mandang Camarenes , 37-anyos, may live-in partner, magsasaka at residente sa Purok 1, Brgy. San Antonio, sakop sa nasabing barangay.

Sa pagkatanggap sa impormasyon, ang mga personnel ng RTR Municipal Police Station ay kaagad na naglusad ng imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa 65th IB, 29IB ng Philippine Army at barangay officials upang maberipika ang report.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na bago pa ang pangyayari, ang biktima kasama ang mga witnesses ay naglalaba sa ilog.

Iilang minuto lamang ang nakalipas ay biglang sumolpot ang anim na armadong lalaki at sa walang pag-aalinlangang pinagbabaril ang biktima gamit ang AK-47 rifle na tumama sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawahan ng biktima.

Nakatakas naman ang mga kasamahan sa biktima sa nasabing insedente habang ang mga suspetsado ay tumakas sa hindi nalamang direksiyun.