Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos iwan ng live-in partner at nagpatiwakal sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rackie Reginan Alisaje,36 anyos at residente ng Purok 1 Brgy Del Carmen President Roxas North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya sa President Roxas,natagpuan ang biktima ng kanyang mga kapit-bahay na nakalambitin sa puno ng durian malapit sa tahanan nito.

Nagbigti ang biktima gamit ang lubid na kanyang itinali sa kanyang leeg at sanga ng puno ng durian.

Sinabi ng ina ng biktima na bago nagbigti ang kanyang anak ay napapansin nila itong balisa at laging nag-iisa.

Malaki ang paniniwala ng pamilya na posibling dahilan nang pagpapatiwakal ng binata ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in partner dalawang buwan na ang nakakalipas.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa pagbigti ng biktima.