-- Advertisements --

Hindi na ma-contact ngayon ng mga senador ang opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. matapos nitong isapunliko ang kanyang kontrobersiyal na testimonya sa delivery sa pamahalaan ng COVID-19 supplies ng kanilang kompanya.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, hindi na nila ma-contact sa ngayon su Krizle Grace Mago, ang opisyal ng Pharmally na umaming binago ng kanilang kompanya ang expiration dates ng mga face shields na pinadala sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Gordon na nangyari ito sa kabila ng alok nilang proteksyon para kay Mago.

“Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksyon ng Senado ngunit nais niya muna raw itong pag-isipan,” ani Gordon.

Sa nakalipas na pagdinig, sinabi ni Mago na binago niya ang certificates ng aniya’y “substandard” face shields matapos itong ipag-utos ng corporate treasurer at secretary ng Pharmally na si Mohit Dargani.

Mariing itinanggi ni Dargani ang akusasyon na ito sa kanya ni Mago.